Willie gustong mas pagandahin ang 'Wowowin' dahil sa ratings

May 19, 2020
Willie Revillame

MUKHANG mas inspired at determinado ang Kapuso TV host na si Willie Revillame na mapaganda pa ang content ng kanyang programang Wowowin dahil sa taas ng ratings nito. Aniya, “Napakataas ng ratings ng show natin!”

Ayon kay Willie, mas pagbubutihan pa nila ang paghahatid ng saya at pag-asa dahil sa mga tumatangkilik sa Kapuso variety game show. Wika niya, “Dahil sa maraming nanonood sa'yo, dapat paligayahin mo sila, pasayahin mo sila, ibigay mo nang todo kung ano dapat nating gawin. Kaya nandito ang Wowowin 'Tutok To Win.'"

Napapanood ang 'Wowowin,' mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA7, gayundin sa YouTube, Facebook at Twitter.