Willie may mensahe kay Michael V.

July 24, 2020
Willie Revillame and Michael V.
Willie Revillame and Michael V.

NAGPAABOT ng mensahe ang Wowowin host na si Willie Revillame para kay Michael V. matapos niyang mapag-alaman na nag-positibo sa COVID-19 ang komedyante. Noong July 20 ay ibinahagi ni Bitoy sa pamamagitan ng YouTube vlog na siya ay tinamaan ng kinatatakutang sakit. Sa parehong araw rin ay nagpahayag ng dasal at suporta si Willie sa live episode ng 'Tutok To Win'.

“Gusto ko lang i-get well soon at [sana] maka-recover kaagad [ang] kaibigan natin, si Michael V. Alam ko may pinagdadaanan ka ngayon. Alay namin sa'yo ang aming... tanging pagdadasal ay maka-recover ka agad.”

“Hanga ako sa'yo dahil sinabi mo 'yan. Lalong lalo na sinabi niya sa Facebook niya na 'yun nga ho, naging positive siya ng COVID, at hindi natin alam kung bakit. Kaya ho ganun katindi 'yang COVID na 'yan. Wala pinipili 'yan, even 'yung president ng ibang bansa, even 'yung kung sino mang nanunungkulan,” dagdag pa ni Willie.