Willie nagbigay ng malaking tulong sa pamilya ng nasawing OFW

August 08, 2020

MARAMI ang humanga sa game show host, producer at businessman na si Willie Revillame nang ito’y agarang magbigay ng tulong sa apat na Filipino OFWs na nasawi sa aksidenteng pagsabog sa Beirut, Lebanon nung madaling araw ng Miyerkules, August 5 kung saan maraming tao ang nasawi at libu-libo ang sugatan. 

Tig wa-one hundred thousand pesos each ang tulong ni John sa pamilya ng ng apat na nasawi sa Lebanon.  Bukod dito, nagbigay din siya ng P5-M check sa Presidential spokesperson na si Sec. Harry Roque bilang tulong naman para sa mga jeepney driver na walang hanap-buhay.

Ayon sa TV host-producer, paunang tulong pa lamang umano niya ito.  Nakahanda rin siyang muling magbigay ng panibagong P5-M para naman sa iba pang nangangailangan lalupa’t nasa gitna na naman  ang NCR at iba pang lugar ng modified enhanced community quarantine (MECQ).