Willie nangakong mamimigay muli sa mga jeepney driver

August 20, 2020
Willie Revillame

NAGPASALAMAT ang 3,000 jeepney drivers and their leaders sa  game show host-producer na si Willie Revillame sa malaking tulong nito sa kanila sa pamamagitan ng cash, bigas at jacket na personal na ipinamahagi mismo ng TV host sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) office sa East Avenue in Quezon City (not in Pandacan, Manila as we earlier wrote).

Nagmistulang malaking rally ang nangyari sa paligid ng LTFRB sa pagdagsa ng napakaraming jeepney drivers.  Marami pang ibang  jeepney drivers ang humabol pero hindi na sila umabot sa grasya ng ipinamahagi ni Willie na nangakong muling magbibigay ng panibagong limang milyong piso sa susunod na buwan.  Kinabukasan, Huwebes ay marami pa ring ibang jeepney drivers mula sa ibang organisasyon ang dumagsa sa  LTFRB pero wala na silang inabutang namimigay ng ayuda roon.

Naaawa si Willie sa mga jeepney driver na karamihan ay hindi pa rin nakakapamasada magmula nung lockdown nung nakaraang Marso kaya ang iba sa kanila ay namamalimos na lamang sa kalye.