Willie personal na iniabot ang P5M para sa jeepney drivers

August 19, 2020

PERSONAL na iniabot ng game show host-producer ng “Wowowin”  na si Willie Revillame ang limang milyong pisong donasyon sa iba’t ibang pinuno ng mga samahan ng mga jeepney diriver sa tanggapan ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Pandacan, Manila kahapon, araw ng Miyerkules bilang tulong pinansyal sa displaced jeepney drivers.

Alam ng 59-year-old TV host-producer na marami ang nagugutom at walang trabaho dahil sa pandemya laluna ang mga jeepney driver ay kung ilang buwan na ring hindi makapamasada.