Xian at Kim, wala pa sa isip ang kasal

January 21, 2019
Xian Lim and Louise Delos Reyes

Ayon kay Xian Lim, malayung-malayo pa sa isip nila ng girlfriend na si Kim Chiu ang pagpapakasal.

Biro nga niya, baka   edad 40s-50s pa nila isipin ’yun.

Ni hindi raw nila napag-uusapan dahil baka raw malasin.

“Baka ma-jinx, baka malasin. Parang tattoo ’yan, eh, ’di ba? ’Pag tina-tattoo mo ’yung pangalan, ’di ba, parang malas ’yun? I mean, hindi, personal, maybe it’s not good to talk about it,” he said.

Pero feeling ba niya ay si Kim na?

“Eh, kung magmahal naman dapat, I think, dapat kung magmamahal kayo, it’s in the back of your head na sana, ito na ’to. I mean, ang pangit naman na magmahal na, ‘ah, ganito lang muna, enjoy-enjoy,’ hindi, eh,” sey pa niya.

Pero gusto ba niyang ikasal? 

“Naniniwala naman ako sa kasal, siyempre. Of course, naniniwala naman ako,” aniya.

Bagama’t lagi naman silang magkasama ni Kim, lalo na sa mga travel abroad, aminado si Xian na nami-miss niya nang katrabaho ang girlfriend.

Ang huling project nila together ay ang pelikulang Past Tense noong 2014.

Ngayon ay si Louise delos Reyes naman ang bagong leading lady ni Xian sa pelikula ng Viva Films, Bluart at XL&, Hanggang Kailan?, na showing na sa Feb. 6 mula sa direksyon ni Bona Fajardo.

Kinunan pa ang ilang bahagi ng movie sa Saga, Japan.