Xian nagpasalamat sa mga dumamay kay Kim

March 05, 2020
Xian Lim

PINASALAMATAN ni Xian Lim ang lahat ng nagdasal at nagpahayag ng malasakit sa kanyang girlfriend na si Kim Chiu na biktima ng pamamaril noong Miyerkoles, March 4, 2020.

Nakaligtas si Kim at ang mga kasama nito sa kapahamakan na hatid ng  riding-in-tandem na nagpaulan ng bala sa sasakyan ni Kim habang papunta siya sa taping ng “Love Thy Woman.”

Nag-alala nang husto si Xian nang malaman nito ang nangyari kay Kim na may dudang a case of mistaken identity ang nangyari.

“Thank you to everyone who expressed their prayers and concern. We can never explain why these horrible things happen. Thankfully there are no casualties. Thank you God for always being by our side,” ang mensahe ng pasasalamat ni Xian.

Unfortunately, hindi maiiwasan na may mga insensitive Filipino na hindi na nga nakatutulong, iniintriga at binibigyan pa ng ibang kahulugan ang traumatic experience ni Kim.