Yasmien, Dion at  Jeric inilahad ang feeling bilang Kapuso

June 10, 2020
Yasmien Kurdi
Yasmien Kurdi

SIMULA nang baguhin ng 'StarStruck' noong 2003 ang buhay ng aktres na si Yasmien Kurdi, nananatili siyang loyal Kapuso at aminado siyang parang pamilya na ang turing niya sa mga nakakasalamuha sa home network.

Dito raw niya kasi binuo ang career niya sa industriya at nagpapasalamat siya sa tiwalang patuloy na ibinibigay sa kaniyang talento. Sa isang interview, ibinahagi ni Yasmien kung gaano siya ka-grateful sa pagiging isang Kapuso. Aniya, "Sobrang proud ako nun kasi kung hindi rin dahil sa GMA, hindi ko mararating 'yung mga pangarap ko sa buhay."

Matatandaang tinagurian siyang First Princess sa pinaka-unang season ng StarStruck at pinagbidahan ang mga sumikat sa seryeng 'Babangon Ako't Dudurugin Kita' at 'Saan Darating Ang Umaga?'.

Samantala, isa sa pinakamahalagang parte ng buhay ni Dion Ignacio ay nang mapabilang siya sa first season ng reality-based artista search na StarStruck 17 years ago.

Kuwento niya, "Ang proudest moment ko po bilang Kapuso talent is noong napabilang po ako sa StarStruck, napasali sa Final 14. Dahil dito, natulungan ko 'yung mga kapatid ko, family ko, at nakaipon ako."

"Dahil po do'n sobrang thankful and grateful ako sa lahat ng projects na natatanggap ko ngayon at nagpapasalamat po ako sa tiwala na binibigay sa 'kin ng GMA Network,” dagdag pa ni Dion. 

Matapos gumanap ng ilang supporting roles, unang bumida si Dion bilang Raul Agoncillo sa remake ng ‘Saan Darating Ang Umaga?’ noong 2008 kung saan katambal niya si Yasmien Kurdi. Sa ngayon, ginagampanan niya ang karakter ni Zander Rodriguez sa top-rating GMA Afternoon Prime series na Magkaagaw.

Solid Kapuso naman ang ‘Magkaagaw’ star na si Jeric Gonzales. Kuwento niya, ang pagkapanalo niya sa Protégé ang nagbukas ng maraming pinto para sa kanyang career. “Sa buong stay ko sa GMA, naramdaman ko talaga 'yung pagmamahal nila, 'yung pag-aalaga, 'yung pag-protekta nila. My proudest moment in GMA is 'yung nanalo ako sa Protegé. Hindi ko alam kung paano ko i-e-explain 'yung sarili ko noon. 'Yung feeling ko that moment, 'yung emotions. It's a rollercoaster ride, mahirap 'yung pinagdaanan namin doon but then, 'yung GMA opened for us an opportunity para maipakita lahat ng talent namin. Kaming lahat na galing Protegé, very proud na dumaan kami doon.”