Zia isa sa pinakamagandang anak ng Asian celebrities

March 12, 2019
Zia Dantes

SA edad na three years ay sobra na umanong inquisitive ang panganay ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Maria Letizia Gracia Dantes o Zia sa maraming bagay sa kanyang paligid. Mahilig na rin itong mag-pray at mag-rosaryo.

Ayon kay Dingdong, ipinaliwanag umano nila kay Zia ang kahalagahan ng pagdarasal.

Dahil malapit nang isilang ni Marian ang magiging second baby nila ni Dingdong na isang baby boy, nagnu-nobena umano sila para sa safe  delivery ni Marian kasama si Zia.

Kapag may mga bagay na hindi umano maintindihan si Zia ay agad niya ng tinatanong ang kanyang parents.

Samantala, natutuwa ang mag-asawang Dingdong at Marian na napili si Zia ng isang Vietnamese-based website bilang isa sa pinakamagandang celebrity kid ng Asian celebrities.  Mag-isa lamang si Zia na napili mula sa Pilipinas.    

Marian is due to give birth any day this month o di kaya sa unang linggo ng April kaya malamang na sa Maynila lamang sila mag-spend ng Holy Week sa halip na ibang lugar which they usually do.

Si Dingdong ang napiling unang brand ambassador ng Persian Avenue. Malapit na rin niyang simulan ang kanyang next movie sa bakuran ng Viva Films na isang action, suspense at may halong comedy ang tema.  Second project bale ito ni Dingdong sa kanilang hit movie ni Anne Curtis nung isang taon, ang “Sid & Aya (Not A Love Story)” na dinirek ni Irene Villamor na siya ring director ng “Ulan” nina Nadine Lustre at Carlo Aquino na showing na ngayong araw, March 13.