Zia, leader ng pagdarasal sa pamilya Dantes

March 02, 2019

Sobrang saya at positive panoorin ang The Dantes Squad video ng Dantes family habang nasa harap ng dining table and about to eat.

Sabi kasi ni Dingdong Dantes, bago mag-play ang anak na si Zia, kumain muna sila. Pero mag-pray muna at si Zia ang magli-lead ng prayer before meal.

Nakakatuwang panoorin na alam na ni Zia ang sign of the cross at nag-lead nga ng Grace Before Meal.

Sigurado, alam na rin nito ang Grace After Meal.         

Kita sa mukha nina Dingdong at Marian Rivera ang saya at pagiging proud na they are raising a good daughter like Zia.

Pinuri ang mag-asawa sa pagpapalaki nila sa kanilang anak.

Nakakatuwa rin ’yung tinanong si Zia tungkol sa baby brother niya at ang sagot, “I will take good care of my baby brother” at “I love my baby brother.”

Kaya nakakasiguro sina Dingdong at Marian na mamahalin ni Zia ang baby brother niya.

Samantala, isa na namang amazing adventure sa South America ang ipapakita ni Dingdong sa Amazing Earth today, after 24 Oras Weekend.

Sa Galapagos Island, ang segment na Naiibang Mundo, from the mountain of Quito, Ecuador ang Binuhay ng Bulkan na makikita ang fames island criss-crossed with lava lines.

Harems of sea lions ang tampok sa Beach Babes at sa segment na Fun, Fun, Fun sa Karagatan, tampok ang pink flamingos.

Sa Wolf Island, makikita ang Pacific Creoles, Jacks, Yellow-tailed Surgeon Fish at White Tip Reef Sharks.

May interview si Dingdong sa Amazing Earth hero na si Dr. Mylene Villegas, a Phivolcs expert at sa kanya, malalaman ni Dingdong ang precautions tungkol sa eruptions.

Based si Dr. Mylene sa Barangay Janopol Occidental sa Tanuan, Batangas.