Zia umeksena sa gitna ng interview ni Dingdong

August 13, 2020
Dingdong Dantes

SALUDO si Dingdong Dantes sa mga kagaya niyang magulang na pinagsasabay ang trabaho at pag-aalaga sa mga anak habang nasa bahay.  

Special moment kung tawagin ni Dingdong ang experience niyang maging work-from-home dad at makasama ang panganay nila ni Marian Rivera na si Zia lalo pa kung hindi inaasahan.

Sa fresh episode ng ‘Amazing Earth’ noong Linggo, habang kapanayam ang ilang local heroes via online interview, ay cute na sumilip si Zia sa gitna ng interview ng ama. 

Kahit pa raw pilitin ni Dingdong na maging istrikto at seryoso habang nagtatrabaho ay hindi niya kayang tiisin ang paglalambing ng anak. "Buti na lang naiintindihan ako ng mga kausap ko. Kaya sa mga nanay at tatay na nagtatrabaho sa bahay. Amazing ang inyong focus at pasensya. Saludo ako sa inyo,” dagdag pa niya.

Ngayong Linggo (August 16) ay makakapanayam ni Dingdong ang Descendants of the Sun co-star niya na ngayon ay nagtitinda ng itlog sa fresh episode ng Amazing Earth, 5:25PM, sa GMA Network.