Zoren, paa ang gamit sa paglalaba

April 22, 2020
Zoren Legaspi

Gaya ng karamihan sa stuck at home at hindi makalabas dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine, masugid din na tinatrabaho ni “Bilangin ang Bituin sa Langit” star Zoren Legaspi ang mga gawaing bahay gaya na lamang ng paglalaba.

Pero ibahin n’yo si Zoren dahil imbes na gumamit ng washing machine, old fashion way ng paglalaba gamit ang kanyang mga paa ang paraan ng Kapuso actor.

Ayon pa sa aktor, hindi lang maituturing na paglalaba ang kanyang ginagawa kundi dagdag exercise na rin.

“Old school laba... cardio workout. Hindi porket naka-hanger sa cabinet, eh, malinis na,” saad niya.

Hindi naman pinalagpas ng netizens na ihalintulad ang paraan ng paglalaba ng aktor sa kanilang mga magulang at lolo’t lola, “Haha looks fun tatay! Ganyan maglaba ang lola ko!”

Dahil tigil muna sa taping ang kanilang serye na “Bilangin ang Bituin sa Langit,” itinutuon ni Zoren ngayon ang kanyang oras sa pagpapaabot ng tulong sa mga pamilyang apektado ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng pamamahagi ng relief goods katuwang ang asawang si Carmina Villarroel at mga anak na sina Cassy at Mavy Legaspi.