1K preloaded mobile phones tinurnover ng Globe sa frontliners

April 17, 2020
Philippine General Hospital Medical Foundation.
INIHATID ng Globe security personnel ang mobile phones sa Philippine General Hospital Medical Foundation.

PATULOY na sumusuporta ang Globe sa  connectivity needs ng mga nasa frontline ng COVID-19 response efforts ng bansa sa pag-turn over ng mahigit sa 1,000 mobile phones sa police, military, at naval forces at piling mga ospital sa buong bansa.

Ang mobile phones ay preloaded ng 30-day unlimited All Net  Call & Text sa lahat ng networks upang matulungan ang mga  frontliner na mas mabilis na makatugon sa emergency  situations at makapag-communicate sa kanilang mga kasamahan at pamilya na walang inaalalang gastusin sa load.

“We understand the hardships that our frontliners are facing and we are thankful for their heroic deeds.  To help, we are doing our best to provide them with the connectivity they need to save lives, protect the public, and get in touch with their loved ones,” wika ni Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer and SVP for Corporate Communications.

“On behalf of the entire community of Rizal Medical Center, we thank you for your kind
donation. Your support will enable our frontliners to enhance communication, as we continue providing excellent and compassionate healthcare to everyone who seeks consult. It is this ‘Bayanihan’ spirit that galvanizes us to continue in this battle. Once again, our wholehearted gratitude and together, we will overcome,” sabi naman ni Rizal Medical Center OIC Primo B. Valenzuela sa kanyang liham sa Globe.

Bukod sa RMC, ang iba pang ospital na tumanggap ng mobile kits ay ang Baguio General Hospital, San Lorenzo Ruiz General Hospital, National Center for Mental Health, Jose R. Reyes Memorial Medical Center, San Lazaro Hospital, Tondo Medical Center, Amang Rodriguez Memorial Medical Center, Valenzuela Medical Center. Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, National Kidney Transplant Institute, Manila Naval Hospital, Veterans Hospital, Northern Mindanao Medical Center. Ospital ng Maynila, Pasig City General Hospital, Rosario Maclang Bautista General Hospital, Southern Philippines Medical Center, Caloocan City Medical Center, Manila East Medical Center, San Juan Medical Center, Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines, Ospital Ng Makati, Philippine General Hospital, Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, at  Research Institute of Tropical Medicine.

Ang iba pang recipients ay kinabibilangan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Navy, Philippine National Police, at Ranao Rescue Team.

Nauna na ring nagkaloob ang  Globe ng libreng GoWIFI internet connection sa iba’t ibang ospital at supermarkets sa bansa upang matugunan ang connectivity requirements ng frontliners, patients, at ng publiko.