ABS-CBN inaalok ang transmission network at educational programs para sa edukasyon 

July 30, 2020

ANG pangako ng ABS-CBN sa publiko ay ang patuloy nitong paglilingkod sa mga Pilipino sa anumang paraang kaya nito.  

Bilang tugon sa programang pang-edukasyon ng pamahalaan sa panahon ng pandemya, inaalok nito ang paggamit ng kanilang transmission network para sa pagpapalabas ng educational programs sa buong bansa.  Ayon sa mensahe mula sa corporate communications sa pamumuno ni Kane Choa, "Nais naming tulungan ang gobyerno sa pagpapaaral ng mga estudyante sa buong bansa sa kabila ng mga limitasyong dulot ng pandemya.  Bukod sa aming transmission network, inaalok din namin ang lahat ng educational programs na ginawa namin sa nakaraang 20 taon." 

Bagama’t wala  raw itong inaasahang epekto sa kanilang negosyo, ayon sa kanila, ang tanging hangarin ng ABS-CBN ay makatulong sa pag-aaral ng ating mga estudyante sa buong bansa.