Garrett nominado sa 2020 Awit Awards

August 20, 2020
Garret Bolden

MATAPOS parangalan bilang New Male Recording Artist of the Year sa 11th PMPC Star Awards for Music noong Enero, muling nagpapasalamat si Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden sa nakuhang nominasyon para sa kategoryang ‘Favorite Male Artist’ under the People's Voice category sa 33rd Awit Awards ngayong taon. 

Ito ay para sa kanyang kantang "Handa Na Maghintay" under GMA Music.

Ani ng The Clash alumnus, "I'd like to thank my fans… they're always there for me and I can feel their support sa career ko.” Dagdag pa niya, "Tapos sa lahat din ng taong naniniwala, lalo na sa label ko sa GMA Music for giving me songs they thought that can represent me and my craft, and my line of singing. And, of course, sa GMA for giving me this chance… sobrang thank you sa lahat ng naniwala at sumuporta sa 'kin."

Mapapanood ang online awarding ceremony ngayong August 29 sa official Facebook page ng Awit Awards.