Meralco patuloy ang serbisyo sa COVID-19 treatment centers

August 05, 2020
Meralco

MERALCO PATULOY ANG SERBISYO SA COVID-19 TREATMENT CENTERS — Sa gitna ng pandemya, patuloy ang mga kawani ng Meralco sa pagsasagawa ng mga service upgrade sa paligid ng Philippine Arena Complex, Ciudad de Victoria, Bocaue, Bulacan. Ang mega tent quarantine facility na pinangalanang We Heal as One Center, ay isang 300-bed facility na nagsisilbing pansamantalang treatment facility para sa mga pasyenteng may COVID-19.Kasama sa nasabing service upgrade work ay ang pagtayo ng 11 concrete poles, at pagkakabit ng halos 240-meters 3-phase overhead lines, 9 distribution transformers, at 3 metering facilities.  Ang pasilidad na katulad nito ay isa sa maraming mga vital hospitals at COVID-19 treatment and testing centers na kasama sa franchise area ng Meralco. Kuha ni JON-JON REYES