Panawagan

July 29, 2020
Angek Kay Candelaria

PANAWAGAN

TINATAWAGAN ang magulang o kamag-anak ng isang batang babae na binigyan ng pangalan na "ANGEL KAY CANDELARIA".

Ang bata ay natagpuan ni Nestor Condino, residente ng Sitio Kampuklo, Bgy. Bunenavista West, Candelaria, Quezon. Ayon sa salaysay ni Condini, nakita niya ang bata noong July 8, 2020, bandang alas 5 ng hapon habang siya ay nangungumpay ng pampakain ng baka.

Ito ay hindi kalayuan sa lugar kung saan siya madalas nangungumpay sa Sitio Kampuklo, Brgy. Bunenavista West, Candelaria, Quezon.Tinatayang bagong silang ang bata ng mga panahong iyon.

Mangyari po lamang na ang magulang o sino man na kamag-anak ay makipag-ugnayan kaagad kay Bb. Mary Jane Romulo, social worker ng Faith, Hope, and Love, Kids’ Ranch, sa pamamagitan ng pagtawag o pag text sa numerong 0951-669-4408/0916-116-5218, para mapag-usapan ang kapakanan ng nasabing bata.