
11 anyos ika-88 biktima ng Dengvaxia vaccine

ISANG 11 anyos na taga Quezon City ang ika-88 biktima umano ng Dengvaxia vaccine.
Ang mga labi ni Levie Losanga ay hinukay sa Bagbag cemetery sa pamumuno ni Chief Public Attorney Persida V. Rueda Acostas at saka ginawan ng autopsy ng PAO forensic experts.
Ang biktima ay tinurukan ng isang ‘dose’ ng Dengvaxia vaccine noong August ng taong ito sa ilalim ng Department of Health vaccination program.
Una pa rito ginawan ng autopsy ng PAO si Eliza de Guzman,12. Ang ika-87 umanong biktima ng Dengvaxia na tinurukan ng tatlong ‘dose’ ng vaccine.
Ang dahilan ng pagkamatay ng dalawa ay dahil umano sa dengvaxia ay magkalintulad , kabilang ang ‘multi organ failure, severe cerebral hemorrhage,’ at iba pa.