
8 GROs, 2 floor managers huli sa KTV sa QC
Inaresto ng pulisya ang walong guest relation officers (GRO) at dalawang floor managers sa isang KTV and disco bar na ginagawa umanong prostitution den sa Commonwealth Ave. Bgy. Holy Spirit, Quezon City, nitong Linggo ng madaling araw.
Kinilala ni Batasan Police chief PLtCol. Romulus Gadaoni, ang mga nadakip na sina Pia Morales, 38; Jhoanna Valenzuela, 32; Velerie Cruz, 42; Paula Sapida, 23; Ann Bautista, 29; Rahimin Bansuan, 37; Nancy Tabansag, 46; Ressel Alalim, 32; Marria Corazon Cruz, 58, floor manager, at Imelda Gella, 48-anyos.
Sa report, nakatanggap umano ng impormasyon ang mga awtoridad na ginagawang prostitution den ang Ram-Ram KTV and Disco kaya agad na bumuo ng team ang Batasan Police at sinalakay ito, bandang ala-1:50 ng madaling araw kahapon.
Nabatid na isang pulis ang nagpanggap na kostumer na naghahanap nang makakatalik na babae at nang magpositibo ang impormasyon ay agad na nagsipasok ang mga kasamang awtoridad at binitbit ang mga GRO, maging ang dalawang floor manager.
Ang mga GRO ay iti-turnover sa Violence Against Women and Children (VAWC) Desk ng Barangay Holy Spirit, habang pinag-aaralan pa kung kakasuhan ang dalawang floor manager.
Pinaghahanap naman ang may-ari ng establisyimento na mahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act.