9 na preso, 9 na BJMP personnel COVID-19 positive

SIYAM na preso at siyam na empleyado ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang nagpositibo COVID-19, ayon kay spokesman Jail Chief Inspector Xavier Solda nitong Biyernes.

Sa panayam kay BJMP spokesman  Solda, nagsasagawa na sila ngayon ng contact tracing para matukoy ang mga individual na nakasalamuha ng 18  COVID-19.

"Nagsasagawa na kami ng contact tracing at meron na kaming team na naka nakatalaga dito" ayon kay Solda.

Sa ulat ang BJMP, nakikipag-ugnayan na sa Philippine Red Cross para sa medical treatment ng mga nagpositibo sa virus  para sa quarantine facilities nito.

Kaugnay nito sinabi ni Solda na nitong nakaraang Abril 3,  nakatanggap ng impormasyon ang BJMP  na ang dating inmate ng Quezon City Jail male Dormitory na nakalaya na ay namatay dahil sa Myocordial Infarction na isang uri ng heart ailment.

Hindi naman iniaalis umano ng mga doktor na hinihinalang namatay ang nakalayang preso sa COVID-19 kaya agad nagsagawa ng contact tracing ang ahensya sa mga huling nakasalamuha nito.

Bunsod nito hinigpitan na rin ang mga jail facilities sa NCR dahil sa naturang insidente.