ABS-CBN writer, babae patay sa ‘heat stroke’

ISANG writer ng ABS-CBN at isang babae ang hinihinalang namatay dahil sa ‘heat stroke’ sa magkahiwalay na insidente  sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Captain Juan B. Mortel ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga biktima na sina  Karl Hanz Apolinario, 28, writer ng ABS-CBN, tubong Aklan at residente ng Unit Apollo, Bohol Mansion sa Eugenio Lopez Drive, Bgy. South Triangle, QC at Rica Pilen Mabulay, 55-anyos, tubong Cebu City at naninirahan sa No. 69 Sitio Patnubay, Bgy. San Luis, Antipolo, Rizal.

Batay sa pahayag ni  John Paul Guan, roommate ni Apolinario, dakong alas-5:45 ng umaga ay nagising siya  sa narinig niyang malakas na kalabog at doon ay nakita niyang nakahandusay na sa semento ang nasabing writer habang nahihirapan sa paghinga.

Agad humingi ng saklolo si Guan sa  caretaker at mga tenant sa Mansion para humingi ng rescue team sa ABS.

Mabilis namang dumating ang ABS-CBN team at isinugod sa Capitol Medical Center si Apolinario subalit binawian din ito ng buhay dakong alas 6:56 ng umaga, ayon sa attending physician na si Dr. Bernadette Velasco.