Ama nilasing, anak minanyak ng obrero

April 08, 2019

NILASING muna ng 29-anyos na construction worker ang ama ng 12-anyos na estudyante bago niya ginapang at minolestiya ang biktima kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City.

Kaagad na naaresto sa follow-up operation ng Valenzuela Police Community Precinct (PCP) 7 and suspek na si Ronel Belano malapit sa kanyang tirahan sa Block 12 Lot 6 Northville 1B, Brgy. Punturin matapos maghain ng reklamo ang ama ng biktima, kasama ang kanyang anak na itinago sa pangalang Myra.

Sa tinanggap na ulat ni Valenzuela Police chief P/Col. David Nicolas Poklay mula sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD), mahimbing ng natutulog dakong ala-1:50 ng madaling araw si Myra sa loob ng kanyang silid nang maramdaman niya ang mga haplos ng mainit na kamay sa kanyang mga hita na umabot hanggang sa kanyang dibdib, kasabay ng matinding pagsiil ng halik sa kanyang mga labi.

Sa kabila ng pagpupumiglas, nagawa pa ng suspek na dakmain at laruin ang maselang parte ng katawan ng biktima habang pinupupog siya ng halik hanggang magawa ni Myra na itulak ang pangahas na lalaki at buksan ang ilaw ng silid.

Dito na tumambad sa paningin ng biktima ang mukha ni Belano na kainuman lamang ng kanyang ama kaya’t sa takot ay kaagad na tumalon palabas ng bintana upang humingi ng tulong.

Ayon sa pulisya, amoy alak at positibong nakainom si Belano nang isailalim sa pagsusuri ng doktor sa Velenzuela City Emergency Hospital kung saan muna siya dinala upang isailalim sa medical checkup bago sampahan ng kasong panghahalay at paglabag sa R.A 7610 o  Special Protection Against Child Abuse sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.