Bagong programa sa mga LSIs inilatag

August 07, 2020

POSIBLENG hindi na maranasan ng mga locally stranded individuals (LSIs) ang inabot na paghihirap para lamang makauwi sa kanilang lalawigan matapos ilatag ang programang “pocket sent off” technical working group ng Hatid Tulong Initiative Program para sa susunod na pagpapausi sa mga na-stranded sa Kamaynilaan.

Sa programang “UP UP Pilipinas”, ipinaliwanag ni Asec. Joseph Encabo ang batayan ng Pocket Send Off na inilatag ni Col. Gerry Zamudio ang paglalayong mas kontrolado at sistematikong pagpapa-uwi sa mga LSI.

Sa ilalim ng bagong sistema, by region o lalawigan na ang gagawing send off sa isang araw o linggo hanggang sa dahan–dahang maubos ang mga LSI na handa ng umuwi sa mga probinsya.

Ayon kay Asec Encabo, kapag ang LGUs ay humiling ng isang hatid tulong assistance, aalamin na sa kanila kung ilan lamang ang bilang ng LSI na kayang tanggapin upang ma-accommodate sa mga quarantine facilities at hindi magkaroon ng over flow.

Manggagaling na rin sa  LGUs ang listahan ng LSI upang mapapatunayan na taga probinsya nila ang mga uuwi.

Dagdag pa sa batayan na kapag nagkaroon ng kasunduan ang technical working group sa governor o mayor, sila na ang magtatakda kung kailan at anong klaseng sasakyan ang gagamitin sa paghahatid ng mga LSI.

Pinasalamatan ni Asec Encabo  si Lt Gen Allen T Paredes, Commanding General ng Philippine Air Force sa pagpapahiram nito ng mga eroplano na naghatid sa mga LSI sa kanilang mga destinasyon.

Magugunita na umapaw sa dami ng LSI sa Pasay City na nabigong makabalik sa kani-kanilang lalawigan matapos ang kakulangan ng komunikasyon sa pagitan ng mga opisyal ng pamahalaan.

Aminado si Encabo na maypagkukulang ang technical working group sa nangyari noong nakaraang linggo ngunit naging hamon umano ito sa kanila upang makapagbalangkas ng maayos at matiwasay na proseso para sa susunod na mga send offs.

Sa panig ni Col. Zamudio, ipinapakita aniya ng Hatid Tulong Initiative  Program  na ang konsepto ng whole of nation approach and good governance  ng NTF ELCAC ay aktibong gumagana sa panahon ngayong krisis para tugunan ang pangangailangan ng ating mga apektadong kababayan.