Biyudo dinakma wetpaks ng 16-anyos

March 21, 2020

HINDI napigil ng 54-anyos na biyudo ang pangigigil sa matambok na puwitan ng 16-anyos na dalagitang nagpapa-load sa isang tindahan matapos niya itong dakmain at pisilin kamakalawa ng gabi sa Valenzuela city.

Nag-iwan pa ng malisyosong tingin si Bonifacio Concepcion ng 664 Marcos St. Bgy Coloong 1 nang lumingon ang biktimang itinago lang sa alyas “Melen” upang alamin kung sino ang dumakma sa kanyang puwitan kaya’t dali-dali siyang nagtatakbo pauwi sa takot na gawan muli siya ng kalaswaan ng suspek.

Sa ulat na tinanggap ni Valenzuela police chief P/Col. Ferdinand Ortega, dakong alas-6 ng gabi nang magtungo sa malapit na tindahan sa Porcincula St., Coloong 1 si Melen upang magpa-load nang dakmain ng suspek ang kanyang puwitan.

Umiiyak na nagsumbong si Melen sa kanyang lolo na kaagad lumabas ng bahay upang komprontahin ang suspek subalit nagalit at ikinaila pa ni Concepcion ang bintang.

Dahil dito, humingi na ng tulong ang mag-lolo sa mga opisyales ng barangay na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nahaharap ngayon sa kasong Acts of Lasciviousness na may kaugnayan sa paglabag sa R.A. 7610 of Anti Child Abuse Law.