COVID-19 bed capacity ng Lung Center puno na

July 25, 2020

HALOS occupy na lahat ang bed capacity para sa mga COVID-19 patients ng Lung Center of the Philippines (LCP), ayon sa management.

Ayon kay LCP spokesperson Dr. Norberto Francisco, as of 7AM ngayong araw, halos 100 percent na ang kanilang mga kama na inireserba sa mga delikado at malubhang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Francisco, ibinaba na nila sa 169 ang kanilang bed capacity at 75 percent nito ay inilaan sa COVID-19 patients.

Ngayon umaga, 50 out of 51 na kama sa ICU, isa na lamang ang bakante. 90% percent na ring okupado ang isolation ward.

Pero dahil may mga nakaabang nang mga pasyenteng may moderate COVID-19, inaasahan na magiging 100 percent nang occupy ito sa buong maghapon.

Aniya, napuno agad ang kanilang operational beds dahil dagsa ang nakukuha nilang mga tawag at referrals mula sa ibang ospital.

Nag anunsyo na rin ang National Kidney and Transplant Institute na malapit na rin silang umabot sa full capacity.

Kabilang sa mga ospital ma nagdeklara na rin ng full capacity at ang St. Luke's Medical Center sa Quezon City at Bonifacio Global City , Makati Medical Center at ang Medical City.