DICT: Mapapaluwag ang traffic

July 02, 2019

NANINIWALA ang Department of Information and Communications Technology (DICT), na malaki ang maitutulong ng sektor upang tugunan ang issue ng matinding traffic sa Metro Manila at key cities ng bansa.

Sa Pre-State of the Nation Address (SONA) Forum nitong Lunes sinabi ni former Acting Secretary Eliseo Rio Jr. na may mga plano na ring inilalatag ang department para ma-decongest ang key cities at main roads.

“We are convincing the telcos to come up with an application so that people don’t have to travel (and) they can transact business online. We have about how many thousands of small meetings in Metro Manila. If people don’t have to go into small meetings, that will reduce cars in our roads by about a hundred thousand a day,” saad ni Rio.

Sa report ng Japan International Cooperation Agency (JICA), nasa P3.2-bilyon ang nasasayang kada araw dahil sa traffic, dito papasok ang malalaking telco na makakatulong para matugunan ang issue.

Inaayos na ng gobyerno ang operation ng ikatlong telco service provider para mas maging epektibo ang implementasyon ng Telecommuting Act.

Ito ang magbibigay ng option sa mga Pilipinong magtrabaho na lang mula sa kanilang mga bahay.

Kamakailan lamang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na paikliin ng 5 minutes ang biyahe sa EDSA mula Cubao patungong Makati City.