Fire truck vs 18-wheeler sa QC, bumbero patay!

Nasawi ang isang bumbero habang sugatan naman ang kaniyang kasamahan nang maaksidente ang sinasakyan nilang fire truck matapos rumesponde sa isang insidente ng sunog.

Agad na nasawi  ang bumberong si Melvin Ang, 47,  dahil sa grabeng tinamong pinsala sa iba't-ibang bahagi ng katawan  habang sugatan naman ang kanyang kasamahang si Wilfredo Orpiano, 61.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD),  dakong alas-11:30 ng gabi  (April 5) nang maganap ang aksidente sa A. Bonifacio Avenue corner Alejo St., Quezon City.

Base sa kuha ng CCTV sa lugar, binabaybay ng fire truck ng Sampaloc fire volunteers ang bahagi ng A. Bonifacio Avenue nang bigla na lang tumilapon ang sasakyan at natanggal ang unahang bahagi nito.

Sinasabing mabilis ang takbo ng fire truck kaya tumama sa isang 18-wheeler truck na may kargang bigas.

Tumama rin umano ang fire truck sa dingding ng Manila North Cemetery na ikinabutas ng dalawang nitso doon.

Nabatid na bago ang aksidente ay rumesponde ang fire truck sa sunog sa isang residential area sa Barangay 132 sa Bagong Barrio, Caloocan Cit