Ibalik na sa P10 ang regular fare sa jeepney!

January 21, 2019

ITO ang giit ng transport leaders matapos ianunsyo ng mga oil company ang pinakabagong oil hike ngayon araw.

Sa statement na ipinalabas ni Orlando Marquez, national president ng Liga ng Transportasyon at Opereytor sa Pilipinas (LTOP), malinaw na dagok na naman ito sa mga driver ng public utility vehicle (jeepney, taxi, uv express, vans, truck, bus, at school bus).

Sa anunsiyo P0.40 per liter ang dagdag na presyo, P0.10 per liter sa gasolina at P0.15 naman per liter sa kerosene ang ipatutupad ngayon umaga ng alas-6.

Ayon kay Marquez, sa mga ordinary driver lalo na sa hanay ng jeepney bawat sentimo ay mahalaga, lalo na ngat´ibinabawas pa ang 20% discount sa mga senior citizen, estudyante, at person with disability.

Kung dati ay P300 ang nababawas sa kita ng jeepney driver sa bawat araw aabot na ito sa P400, heavy traffic pa.

Sa panahon ngayon hindi lang presyo ng petrolyo ang isyu, kasama dyan ang tuluy-tuloy na increases ng prime commodities, basic goods, electric at water bills, renta sa bahay at ang presyo ng spare parts ng mga sasakayan.

Ayon kay Marquez, sa kanilang pag-aaral at monitoring sa nakalipas ng mga taon, kahit bumaba na ang presyo ng diesel hindi bumababa ang presyo ng mga bilihin kundi pataas pa rin.

Ayon kay Marquez, dapat na talagang ibalik ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pamasahe sa dating P10.00, motu propio.