LCSP mamimigay ng 5K face shields

August 16, 2020

Si Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa interview habang nakasuot ng face mask at face shield.

LIMANG libong libreng face shields ang ipamimigay ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) para sa mga commuters o pasahero.

Ito ang ibinulgar ni Atty. Ariel Inton, founder ng LCSP, sa interview bilang tulong sa mga ordinary passengers na humihingi ng libreng face shield sa pagbabalik biyahe ng mga public utility vehicle tulad ng jeepney, UV Express, van at iba pang PUV.

Ayon kay Inton ito rin ang sagot ng LCSP sa mga mapagsamantalang mga negosyante na nag hoarding at nagtaas ng presyo ng face shields. Nagpasalamat naman si Inton sa Department of Health at Department of Trade Industry sa mabilis na paglalabas ng Suggested Retail Price (SPR) ng presyo ng face shield bilang protection ng mga mamimili.

Dapat na P25 hanggang P50 lamang per piece ang presyo ng face shield ayon na rin sa inilabas na SRP ng DTI.

Sinabi ni Inton personal na ipamimigay ng LCSP sa pangunguna nya ang mga face shield sa mga ordinary commuters lalo na yung mga kapos talaga at walang pambili ng face shield.

Ang mga ipamimigay na libreng face shield ng LCSP ay sariling gawa dito sa ating bansa sa tulong ng mga member ng LCSP at mga supporters ng grupo.

Nauna rito iniutos ng Department of Transporation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (DOTr-LTFRB) sa pagbabalik ng biyahe ng mga PUV mahigpit na ipatutupad ang no face mask, no face shield no ride sa mga individual na gustong sumakay ng mga PUV.

Malaki ang maitutulong ng pagsusuot ng face mask, face shield upang labanan ang pagkalat ng deadly virus COVID-19, ayon sa mga authority.