LCSP: Nakaparadang PUV gawing mobile drug stores

March 28, 2020

HINILING ng commuter at transport group na gawing mga mobile drug stores (MDS) ang mga nakaparadang mga public utility vehicle para sa mas mabilis na services sa mga tao.

Ito ang mungkahi ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) upang matugunan ng mabilis ang pangangailangan ng tao sa pagbibigay ng gamot.

“Sa buong mundo napatunayan na kung ilang beses kung sinong tropa ang may mas mabilis at maasahang transportasyon, lamang ito at mas panalo.  Sa mga kwento naman ngayon mula sa mga syudad sa gitna ng banta ng COVID-19, maraming reklamo ang naririnig na hindi raw nakakarating sa iba’t ibang bahagi ang mga ayuda ng lokal na pamahalaan,” ani Inton.

Dagdag ni Inton na nagtatrabaho naman ang mga lokal na lider.

“Sa iba lang ay mabagal talaga ang pagpapadating ng mga tulong sa kanilang mga nasasakupan dahil hirap sa transportasyon. Sa Quezon City halimbawa, ilan bang sasakyan ang meron ang isang barangay? Dalawa? Siguro isa lang sa iba.

At ilang daang pamilya ang kailangan serbisyuhan? Mabagal talaga ang kilos dahil sa hirap ng transportasyon. Pero may solusyon akong iminumungkahi mula pa nung una. Lahat kasi ng isyu dapat maiging pinagiisipan dahil bago sa ating lahat ang ganitong klaseng problema,” sabi pa ni Inton.

Eto pa ang karagdaganv munghahi n i Inton:

“Bakit hindi rentahan ng local government at gamitin sa kanilang pagkilos ang mga naka-tenggang public utility vehicles – mga jeep, mga PUVs, mga bus.

Two birds in one stone pa ito! Kasi mas mapapabilis ang pagkilos ng mga ayuda gamit ang mga PUVs at kikita pa ang mga drivers lalo ngayon na hindi na sila nakakapasada at wala nang hanapbuhay. Mahalaga ang mobility sa panahong ito at ang lahat sa hanay ng transportasyon ay gusto ring kumita at gustong tumulong.

At isa pa! Gamitin silang mobile drugstores!

Ang daming tao ang nangangailangan ng gamot - yung mga basic vitamins at maintenance para sa mga may karamdaman na hindi makalabas. Napakalaking tulong kung may mobile drugstores na maglilibot gamit ang mga PUVs.

Dapat creative ang mga lider natin.

Isipin natin ang lahat ng tao na sobrang apektado ng pagsubok na ito ng COVID-19. Ano sa palagay ninyo, mga kababayan ko?”