LCSP namigay ng libreng face shield sa pasahero

August 18, 2020

NAMIGAY kahapon ng libreng face shield sa mga pasahero ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa Cubao, Quezon City.

Sa interview sinabi ni Atty. Ariel Inton, founder ng (LCSP) libre ang mga face shield na kanilang ipinamigay kahapon ng umaga sa area ng Cubao.

Ayon pa kay Inton ang mga face shield na kanilang ipinamigay ay bahagi ng 5,000 pieces na kanilang ipinangako na ipamimigay sa mga pasaherong sumasakay sa mga public utility vehicle (PUV).

Ayon kay Inton, itutuloy pa nila ang pamimigay ng libreng face shield lalo na ngayon magbabalik pasada na ang mga PUV sa iba´t ibang mga lugar.

​Nauna rito naglabas ng order ng Department of Transporation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (DOTr-LTFRB) na mandatory ang pagsusuot ng face shield sa mga individual na sasakay sa mga PUV.

​Maging ang Department of Labor (DOLE) ay nag utos na dapat na mag suot ng face shield ang mga workers habang nasa trabaho, dahil malaki ang maitutulong nito para sa paglaban sa deadly virus COVID-19.(Jun I. Legaspi)