Lim mag-isang pumirma sa peace covenant

MAG-ISANG dumalo ng misa at pumirma ng peace covenant ang nagbabalik-alkaldeng si former Manila Mayor Alfredo S. Lim, na siya ding kandidato ng ruling PDP-Laban party na pinamumunuan ni President Rodrigo Duterte bilang  chairman.

Ang misa at  pirmahan ng peace covenant ay ginanap sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila at layunin na papangakuin ang mga tatakbong kandidato na magiging malinis at patas sila sa darating na halalan sa Mayo.

Ang nasabing peace covenant signing ay inorganisa ng Commission on Elections, election watchdog Philippine Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), Manila Police District (MPD), DILG at DepEd.

Sa pagpirma sa naturang covenant ay nangangako ang mga kandidatong lokal para sa isang  ‘free, honest, peaceful and credible elections and through my words and actions, commit to abid by the tenets of our Constitution, election laws, rules and regulations...will not employ any form of violence, force or treat that may impair, impede or unduly influence e free exercicse of the people’s right to suffrage.’

Nangangako din doon ang mga kandidato na hindi sila magbibigay ng suhol o lagay na magbibigay batik sa integridad ng ating  democratic processes.

Sa nasabing okasyon ay tiniyak naman ni  MPD chief Vicente Danao na ang kapulisan ay magiging ‘apolitical’ o walang papanigang pulitiko at nagpahayag din ito ng pag-asa na hindi mababahiran ngnsnumang karahasan ang nalalapit na eleksyon.

Ang PPCRV at Comelec ay nanawagan sa mga  lokal na  kamdidato na tiyaking magiging malinis at mapayapa ang eleksyon upang pamarisan ng ibamg lungsod.