Lolo tinadtad ng bala sa QC, dedo

February 10, 2020

Nasawi ang isang 60-anyos na lalaki nang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng ‘riding in tandem’ sa Quezon City, nitong Linggo ng hapon.

Ang biktima ay nakilalang si Raul Floro Tresvalles Jr., may asawa, timekeeper ng isang pribadong kumpanya at residente ng Violago Homes, Bgy. Bagong Silangan, QC. Siya ay namatay agad noon din sanhi ng tinamong maraming tama ng bala  ng baril sa katawan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PSSG Bienvenido Ribaya III, ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang pamamaril ay naganap dakong alas-2:40 ng hapon sa Kalayaan D., Bgy. Batasan Hills, QC.