Manager patay sa ambush

Inambush ng dalawang nakamotorsiklong suspek ang sinasakyang pick up ng general manager ng Makati Development Corporation na agad na ikinasawi nito habang sugatan naman ang kanyang driver kahapon ng umaga sa Quezon City.

Sa inisyal na report  sa  Criminal Investsigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong alas-7: 30 ng umaga sa harap ng  Clances Bldg. na matatagpuan sa 110 road 20, Barangay Bahay Toro, QC.

Ang biktimang namatay ay nakilalang si  Engineer Jose Roel B Ticse,  55,  general manager ng  MDC sa Pampanga, habang sugatan naman ang kaniyang driver na si Robert Arizo,  49, residente ng  Taguig.

Ayon kay PSSg Rowen Insecto ng QCPD Talipapa Police Station, base sa nakuha nilang CCTV footage, minamaneho umano ng driver ang isang Isuzu pick up na may plakang  NDN 9830 at sinundo ang kaniyang boss na engineer.

Habang papasakay si Ticse sa sasakyan ay sumulpot ang dalawang di-kilalang suspek na sakay sa isang motorsiklo at agad na pinaulanan ng bala ng baril ang sasakyan ng mga biktima.

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang tandem habang isinugod naman ang mga biktima sa  Metro North Medical Center subalit idineklarang dead on arrival ang engineer