Manyakis na ama ipinadakip ng 2 anak na babae

April 26, 2020

IPINADAKIP ng magkapatid na babae sa pulisya ang sarili nilang ama sa paniwalang may pagnanasa ang suspek sa isa sa kanila matapos pasukin sa loob ng silid sa Navotas City.

Sinabi ni Navotas City Police chief P/Col. Rolando Balasabas na hindi magsusumbong sa mga opisyal ng barangay ang magkapatid na residente ng Quintos St., Bgy. San Jose kung walang malisya ang paghalik at pagtabi ng kanilang ama sa 13-anyos na anak 8 a.m. noong Biyernes.

Kamakalawa lamang ng hapon ipinadakip ng magkapatid ang 63-anyos nilang ama na hindi na binanggit ang pangalan upang mapangalagaan ang reputasyon ng biktima matapos isuplong sa opisyal ng Bgy. San Jose.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Navotas Women and Children’s Protection Desk (WCPD) na natutulog pa sa loob ng kanyang silid sa ikalawang palapag ng kanilang tirahan ang 13-anyos na biktima dakong alas-8 ng umaga nang pumasok at tumabi sa kanya ang ama.

Hinalikan umano ng suspek ang anak at ginising kaya’t sa takot ng bata ay bumangon at bumaba ng bahay para isumbong sa nakatatandang kapatid ang ginawa sa kanya ng ama.

Kahapon ay iprinisinta na ng mga tauhan ng WCPD sa piskalya ng Navotas City para sa inqueat proceeding ang ama ng biktima na nahaharap sa kasong acts of lasciviousness in relation to R.A. 7610 o ang Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.