Manyakis nabigo sa bata, 12

July 13, 2019

TAPANG at determinasyon ang nagligtas sa 12-anyos na Grade 6 pupil mula sa kamay ng 17-anyos na manyakis na kapitbahay na nagtangkang humalay sa kanya sa loob mismo ng kanilang bahay kamakalawa ng hapon sa Valenzuela city.

Hindi nasiraan ng loob ang biktimang itinago lamang sa alyas “Jaja” nang tangkaing halayin ng menor-de-edad na kapitbahay na matagal ng nagpapantasya sa angking kariktan ng biktima makaraang manlaban hanggang mapalayas ang suspek sa loob ng kanilang tirahan.

Sa ulat na isinumite ng Valenzuela Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) kay P/Col. Carlito Gaces, hepe ng pulisya ng lungsod, dakong alas-4 ng hapon, habang mag-isa lamang sa kanilang bahay sa Sabine Alley St. Bgy. Maysan si Jaja, bigla na lamang sumungaw sa kanilang bintana ang suspek na itinago sa alyas “Boyet” at pilit na ipinapakita sa biktima ang mga malalaswang larawan ng mga hubo’t hubad na lalaki at babae, pati na ang video ng pagtatalik ng magkakapareha.

Hinimok umano ni Boyet ang biktima na buksan ang kanilang pintuan at papasukin siya upang mapanood ng maayos ang malalaswang pelikula subalit tumanggi si Jaja at isinara ang kanilang bintana.