Mga obrerong stranded sa QC dahil sa ECQ humingi ng tulong sa DOLE

April 17, 2020

ISANG grupo ng mga stranded construction workers based sa Katipunan, Quezon City ang tuwirang humingi ng tulong sa Department of Labor (DOLE) at iba’t ibang agency ng gobyerno.

​Sa video ipinadala ng mga stranded na construction workers, mula ng ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) wala pa silang natatanggap kahit anumang tulong sa anumang agency ng gobyerno, isang buwan na ngayon.

​Ayon sa grupo lahat sila ay taga Mindanao, nagtatrabaho bilang construction workers dito sa Manila, at walang mga kamag-anak na pwedeng hingan ng tulong, kayat nanawagan sila sa DOLE at iba pang sectors.

​Pakiusap nila kay DOLE Sec. Silvestre Bello, ibigay sa kanila ng diretso ang P5,000 tulong upang maipadala agad sa kanilang mga pamilya sa Mindanao ang pera dahil wala na ring makain.

​Kailangan din ng mga stranded na workers ang bigas, tsinelas, toothpaste, sabon at iba pang personal hygienes.

​Nanawagan din personal ang mga stranded workers kay Quezon City, Mayor Joy Belmonte, mga pare sa Ateneo, construction management at iba pang sector na nagbibigay ng tulong puntahan sila upang personal na makita ang kanilang kalunos lunos na kalagayan.