Mungkahi ng LCSP: Perang ninakaw sa kaban ng bayan ideposito sa korte

August 25, 2020

IPINANUKALA ng commuter at transport group na dapat na i-deposit sa court ang perang ninakaw mula sa kaban ng bayan habang nililitis ang akusado.

Ito ang mariing panukala ni Atty. Ariel Inton, founder ng Laywers for Commuters Safety and Protection (LCSP), upang mapangalagaan ang interest ng taong bayan.

Paliwanag ni Inton bilang lawyer, kapag ang kaso ng katiwalian ay naisampa na sa court kailangan i-deposito sa court ang halaga na diumano ay kinurakot niya. Halimbawa kung makasuhan ang mga opisyales na sangkot sa nakawawan dapat ay ideposito nila sa court ang diumano ay perang kinurakot nila. Pag hindi ay kulong sila habang nililitis.

Kung ang kaso naman ay plunder at "no bail recommended", dapat sa petition for bail niya ay kasama ang pagdeposito sa court ng perang diumano ay dinambong. Kapag ganito ay mas papabilisin ng akusado ang kaso at mawawala na ang delaying tactics.

“Imagine kung ilang bilyong piso ang maide-deposito sa court na pwede pang gamitin para sa mga proyekto habang tumatakbo ang kaso,” sabi ni Inton.

Paliwanag pa ni Inton sa ganitong paraan ay hindi magagamit ng akusado maging ng kanyang pamilya ang perang ninakaw nito.

“Ilan kaya ang kaso ng katiwalian na ang perang kinurakot ay nasa pag-aari pa ng akusado at na e-enjoy ng pamilya nito. Nananalo pa sa halalan at naa-apoint pa sa puwesto.

Kaya tuloy nawawalan na nang gana ang tao na kasuhan ang sangkot sa katiwalian,” saad ni Inton.

“Kung ang hatol sa akusado ay pinababalik ang pera kahit abswelto pa no problem dahil nasa court na ang nasabing pera!,”aniya.