Nandakma ng dibdib arestado

April 03, 2019

ARESTADO ang isang basurero nang dakmain ang maselang bahagi ng katawan, pati na ang malusog na dibdib ng magandang ginang, na napadaan sa kanyang harapan kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Namutla sa takot ang 25-anyos na biktimang itinago lang sa pangalang April, isang office staff at residente ng Bgy. Dalandanan nang maramdaman ang mga kamay ng suspek na si Albert Agodo, 40, ng San Francisco St., Lamesa Subdivision, Brgy. Veinte Reales sa kanyang kaselanan kaya’t sa kabila ng pangamba, nagawa pa rin niyang itulak ang suspek at magtatakbo upang humingi ng tulong.

Sa ulat ng Valenzuela Police Women and Children’s Protection Desk (WDPC) nangyari ang insidente dakong alas-7:49 ng umaga sa Blanco St., Brgy. Dalandanan habang patungo na ang ginang sa pinapasukang tanggapan.

Nagsusunog umano ng kawad ng kuryente upang gawing tanso si Agodo nang mapansin ang pagdaan ng magandang ginang sa kanyang harapan.

Nagkaroon umano ng makamundong hangarin ang suspek nang maamoy ang halimuyak ng ginang kaya’t walang patumanggang dinakma ang kaselanan ng biktima bago mahigpit na pinanggigilan ang malulusog na dibdib.

Kaagad namang nakahingi ng saklolo ang biktima sa mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakadakip sa manyakis na suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong acts of lasciviousness sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.