NFPTC sa mga miyembro: Health protocols seryosohin

August 19, 2020

KASABAY ng muling pagbabalik sa General Community Quarantine ng Metro Manila, nagpaalala ang at ang mga transport group leaders sa ilalim ng National Federation of Public Transport Cooperatives (NFPTC) sa kanilang mga miyembro na seryosohin o mas maging mahigpit sa pagpapatupad ng mga health protocols.

Ayon sa grupo, dapat fully cooperatives lahat, dapat tiyakin ang palagiang pag disinfect ng mga pampasaherong jeepney at bus at paglalagay ng distancing ng mga pasahero.

Nagpaalaala naman ang mga operators at drivers sa mga pasahero na makipagtulungan dahil hindi na rin sila magsasakay ng nga pasahero kapag walang suot na face shield bukod facemask .

Layon ng hakbang na ito na madagdagan ang proteksyon at mabawasan ang hawahan sa COVID-19.

Samantala, nagdagdag pa ng mga ruta ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kasama rito ang mga traditional jeepney sa iba´t ibang lugar sa Metro Manila.

Nanawagan ang mga transport leaders kay Department of Transporation Sec. Arthur Tugade at Chairman Martin Delgra III ng LTFRB na buksan na lahat ng mga ruta dahil kulang na kulang talaga ang mga public utility vehicles sa lugas kung saan maraming mga pasahero.