Obrero dinakma dibdib ng batang ginang, huli

February 04, 2020

TINARGET na haplusin ng isang lasing na construction worker ang malusog na dibdib ng batam-batang ginang nang matiyempuhan niyang bumibili ng disposable diaper sa isang tindahan ang biktima kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Una’y sa balikat lamang hinawakan ng suspek na si Jerome Jalimao, 42, ng 19 Ligaya St. Bgy. Marulas ang 23-anyos na si Bella (hindi tunay na pangalan) habang bumibili sa isang tindahan sa Anak Dalita, Serrano St. dakong alas-7:50 ng gabi subalit biglang pinadausdos ang kamay patungo sa mayamang dibdib ng ginang.

Dahil amoy-alak ang suspek, sa takot ni Bella ay kaagad na nagtatakbo pauwi sa kanilang bahay at isinumbong sa kanyang ina ang kabastusang ginawa sa kanya ni Jalimao.

Hindi naman nakaligtas sa pandinig ng kalive-in ni Bella na isang alyas “Tony” ang sumbong ng kinakasama kaya’t kaagad na sumugod patungo sa lugar na pinangyarihan at tiyempong naabutan pa niya dito ang suspek na kaagad niyang kinompronta.