
P40.8M shabu nahukay sa QC drainage project
INI-REPORT ni Quezon City Police District (QCPD) director Chief Supt. Joselito T. Esquivel Jr. kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang pagkaka-tuklas sa anim na kilong shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P40.8 milyon na nakita kahapon ng mga obrero habang naghuhukay para sa isang drainage pro-ject sa Bgy. Fairview, Quezon City.
Sinabi ni C/Supt. Esquivel na bandang alas-10:30 ng umaga kahapon ay ini-report ni Bgy. Captain Manuel Chua ng North Fairview sa PS 5 sa ilalim ni Supt. Benjamin Gabriel Jr., ang pagkakatuklas ng medium size plastics na anim na kilo ng shabu na ibinaon sa ilalim ng lupa.
Ayon sa ulat, nahukay ang naturang shabu ng dalawang obrero sa tapat ng gate ng Dancs Refrigerator Repair Service na pagaari ni Danilo Sibug sa Geneva Garden Subdivision sa Commonwealth Avenue sa kanto ng Flourdelis St., Bgy. North Fairview.
Ipinagbigay-alam ni Sibug sa barangay chairman ang shabu na kaagad namang ini-report sa pulisya.
Inatasan ni C/Supt. Esquivel ang PS 5 commander na magsagawa ng im-bestigasyon at mangalap ng ibedensiya para makilala kung sino ang may kagagawan ng pagtatago ng shabu sa ilalim ng lupa.