Patay dahil sa ‘pampatigas’

HINDI na nagawang maisalba ang buhay ng isang 36 anyos na  barangay tanod makaraan umanong tumira ng pampatigas sa Sta. Cruz,Manila, kahapon.

Base sa report na isinumiti ni Det. Jonathan Bautista kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 8:50 ng umaga, nang itawag ng Jose Reyes Memorial Medical Center ang pagkamatay ng biktima.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong 12 ng madaling araw matapos umanong manggaling sa kasintahan na nagtungo sa Middle East at naikuwento umano nito na  tumira siya ng Bravo capsule bago siya nakipagtalik.

Dakong 4 ng madaling araw, nang makitang nanginginig ang buo nitong katawan, kaya mabilis na isinugod ito sa nasabing ospital , pero hindi na naisalba ng buhay ng barangay tanod.