PUI di nahintay COVID-19 test result nagbaril sa sarilimel

ISANG negosyante na diumano’y naghihintay na lamang ng resulta sa isinagawang COVID-19 test matapos na makaramdam ng mga sintomas nito ang nagbaril umano sa kanyang sarili sa loob ng kanyang tahanan sa lungsod Quezon.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PSMS Marvin P. Masangkay ng Criminal Investigation and Detection Unit  ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 3:30 a.m. (March 27) nang matagpuang wala ng buhay ang 72-anyos na biktima sa roof deck ng kaniyang tahanan sa Bgy. Greater Fairview, Quezon City. 

Ayon sa anak ng biktima, kasalukuyan umano siyang naglalaro ng computer sa kaniyang silid ng umalingawngaw ang isang putok.

Agad siyang lumabas ng silid at hinanap kung saan nanggaling ang nasabing ingay.

Tumambad sa kaniya ang duguang katawan ng kaniyang ama na may tama umano ng baril sa kaniyang dibdib.

Ayon sa anak ng biktima, sumailalim sa COVID-19 test ang kaniyang ama matapos makaramdam ng sore throat.

Posibleng hindi na umano nahintay ng biktima ang resulta ng nasabing test.

Isang suicide note ang natagpuan sa tabi ng bangkay ng biktima.