Pulis dinampot 71 lumabag sa batas

May 71 katao ang binitbit ng Manila Police District -Police Station 7 sa isinagawang  Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) kamakalawa ng gabi sa limang barangay sa Tondo, Maynila.

Nabatid na sinimulan ang SACLEO mula alas 9 ng gabi, hanggang alas 12 ng madaling araw sa Bgy. 152, Bgy. 209, Bgy. 210, Bgy 212, at Bgy. 221.

Nalaman na may 100 organic personnel sa pangunguna ni PLTCol Gebe Licud at karagdagang 23 tauhan pa mula sa district headquarters  at 23 tauhan din mula sa MPD-SWAT sa pamumuno ni PCMS  Francisco Cruz ang sumuyod sa nasabing mga barangay. Sa mga naaresto,   26 dito ang lumabag sa city ordinance.

Dalawa ang naaresto dahil sa paglabag sa RA 9165 Special Laws kung saan isa rito ay  kabiklang sa watchlist  ng drug personalities.