PUV drivers nagpasalamat sa P8K ayuda ng DSWSD

April 14, 2020

TAOS pusong nagpapaabot ng pasasalamat ang mga public utility vehicle (PUV) drivers sa P8,000 financial aid na ibinigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Gayun din nagpahatid ng pasasalamat ang mga libu-libong drivers sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Land Transportation Office at Land Bank of the Philippines sa mabilis at kaayusan sa mabilis na pag withdraw ng kanilang P8,000 financial aid.

Kaugnay nito nagmungkahi ang mga drivers na senior citizen sa DSWD, LTO, LTFRB at LBP na kung posible bigyan sila ng separate na linya dahil na rin sa kanilang idad.

Sa interview sa mga drivers na SC, hindi na nila kanyang pumila ng mahaba at mabilad ng mahaba sa sikat ng araw.

Ayon sa mga senior drivers dahil sa dami ng nag withdraw at sabay sabay hirap ang silang pumila na umaabot halos 1 kilometer tulad nang nangyari noong Lunes.

“Sana po mapagbigyan kami sa aming maliit na lambing,” saad ng mga seniors.

Nauna rito umaga pa lang libu-libong mga PUV drivers ang sumugod sa ibat-ibang branches ng LBP upang withdraw ng mga drivers ang kanilang P8,000 financial aid na ibinigay ni President Rodrigo  Duterte sa pamamagitan ng DSWD.

Mabilis namang nag dispatched ng mga teams ang LTO-National Capital Region-East sa mga branches ng LBP at personal na nagbigay ng assistance upang siguradong ma ipatupad ang social distancing, traffic, at pagbibigay din ng mga libreng tubig sa mga nauuhaw na hindi makaalis sa kanilang mahabang pila.

Ayon kay LTO-NCR-East Director Benjamin Santiago III, sa report na ibinigay ng team leader ng LTO-Quezon City District Office, maayos at walang naging problema dahil sumunod naman ang mga drivers sa mga tagubilin.