Sanggol hinulog mula 2nd floor, patay

PATAY ang isang walong buwang sanggol na babae nang ihulog umano ng kaniyang magulang mula sa ikalawang  palapag ng kanilang bahay sa Bagong Silangan, Quezon City

Batay sa inisyal na report sa Quezon City Police District (QCPD) Batasan Police Station 6, ang insidente ay naganap bandang alas-8:15 ng umaga ng Aug. 20 sa Phil Heights Home Subdivision, Bgy. Bagong Silangan.

Agad namang inireport ng mga tanond na si  Ronnie Villoria at Vergilio Corpin ang nakitang sanggol na bumagsak sa isang bakanteng lote, na  narinig pa umanong umiiyak ng isang security guard bago matagpuang patay ang biktima.

Ayon kay  PSsg Maricel Bolambao, agad nilang dinala sa  Batasan Police Station 6 ang mag-live-in partner  (pansamantalang hindi pinangalanan) na pinaghihinalaang may kagagawan sa krimen upang isailalim sa imbestigasyon.

Isinugod muna umano sa ospital ang babae dahil bigla itong dinugo habang nasa istasyon ng pulis.