Shabu suspects

Drug suspects

Rumoronda sa kaniyang nasasakupang barangay sa Pasay City si Bgy. Capt. Joel Savares at Bgy. Kagawad Alfredo Versoto bilang pagtalima sa enhanced community quarantine na pinapatupad sa buong Luzon ng maaktuhan nila ang mga suspek na sina Romeo Alcazar, 59, at Marilou Puda, 43, kapwa residente ng Pasay City.

Habang di umano’y gumagamit ng shabu sa loob ng isang tahanan sa Layug St., Bgy. 2, Zone 1, Pasay City. Kasong paglabag sa RA 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa sa mga suspek.