Talent ni-rape ng recruiter

Inaresto ang isang talent supplier makaraang ireklamo ng pangagahasa nang ni-re-recruit niyang 20-anyos na dalaga sa  Bgy. Old Balara, Quezon City.

Ang suspek na si Miles  Narona Franes, 29, binata, at residente ng No. 10 A P Aquino St., Bgy. 3, Caloocan City ay nakakulong ngayon sa Batasan Police Station (PS 6).

Ang talent na biktima ay itinago sa pangalang Marie, 20, estudyante at may kursong Bachelor of Science in Info Tech, tubong Aniog, Angadanan, Isabela at residente ng Malipaka St., Maligaya Park Subdivision, Pasong Putik, Novaliches.

Batay sa sinumpaang salaysay ni Marie, sa Womens and Childrens Desk ng Batasan Polce  Station 6, ang pangre-rape sa kanya ay nangyari sa Diliman Apartelle na matatagpuan sa Commonwealth Ave. Bgy. Old Balara, dakong alas-6 ng umaga nitong Abril 2.

Ni-recruit umano ang biktima para sa isang indie sex film at matapos na mapangakuan na malaki ang kikitain nito ay sumang-ayon naman si Marie para sa isang  audition tape at bikini photo shoot na isinagawa sa apartelle.

Nagkita umano sila sa MCDO sa Panay Avenue at pagdating ng biktima ay nandoon na ang suspek kaya niyaya na niyang mag-shoot’ na sila pero sinabi ng huli na nakalimutan niya na dalhin ang kaniyang DSLR camera.

Niyaya ng suspek ang dalaga sa Tandang Sora dahil doon aniya ang lokasyon ng shooting ng Dragon Lady Teleserye subalit pagdating nila doon ay tapos na.

Dahil dito ay dinala ng suspek ang biktima sa nasabing apartelle at doon ay inutusan ang dalaga na magsuot  ng bathing suit at umarte sa 10 minuto nilang sexy scene video at babayaran agad siya ng halagang P15,000.

Pero sa kalagitnaan umano ng photo shoot ay saka isinagawa ng suspek ang pang-gagahasa.