TV actor na nakapatay di pa tapos ang problema

April 02, 2019

HINDI pa tapos ang problema ng StarStruck Season 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer na nasangkot sa insidente ng hit and run kahit na naareglo na niya ang dalawang empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA na kanyang nasagi dahil sa mabilis na pagmamaneho noong Marso 26 sa Makati City.

Ito’y makaraang ihayag ng Makati City police ang nakatakdang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa aktor matapos mapatunayang peke ang iprinisintang lisensiya sa pulisya nang mahuli sa kasong reckless imprudence resulting in physical injuries at resistace and disobedience to person in authority.

Ayon kay Makati police chief P/Col. Rogelio Simon, inatasan niya kamakalawa ng umaga si P/Maj. Gideon Ines, Jr., hepe ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) upang sila ang sumuri kung palsipikado nga ang lisensiya ng aktor.

Dakong alas-2 ng hapon kamakalawa isinagawa ang case conference na pinangunahan ni Ret. PBGen. Clarence Guinto ng LTO-NCR, kasama ang staff at imbestigador ng LTO at Maj. Gideon Ines kung saan masusing sinuri ang lisensiya ni Adecer pati na ang kanyang mga iba pang kinasangkutang kaso sa pagmamaneho.

Sa naturang case conference, napatunayan na palsipikado nga ang i-prinisintang lisensiya ng aktor kaya’t inihahanda na ng pulisya ang paghahain ng kasong Falsification of Public Documents laban sa kanya habang kasong administratibo naman ang isasampa ng LTO na posibleng magresulta sa suspensiyon o tuluyang pagkakait na mabigyan pa siyang muli ng lisensiya sa pagmamaneho.

Idinagdag pa ni Director Guinto na batay sa record ng LTO, apat na ulit ng nahuli at natikitan ng kasong reckless driving si Adecer kaya’t malaki ang posibilidad na tuluyang ma-revoke ang kanyang liseniya.